Abstract
Ang patuloy na pagtuklas ng makabago at epektibong pamamaraan ng pagturo ang siyang tanging susi ng pag-angat ng kalidad ng edukasyon, partikular sa lalawigan ng Sulu. Kung ating isasaalang-alang ang kalagayang sosyal, ispirituwal, politikal at pinansyal ng mga mag-aaral, ang minimithing kaunlaran sa larangan ng edukasyon ay isang malaking hamon na susubok sa kakayahan at tatag ng ating mga guro at tagapamahala ng mga paaralan. Ang kawalan ng interes, motibasyon, kakulangan ng mga kagamitan sa pag-aaral dala ng kahirapan ng mga mag-aaral ay dagdag balakid na lalong napapatindi sa bigat ng hamon na ating kakaharapin.
Ipinapahayag sa papel na ito na kalakip sa matagumpay na adhikain ng edukasyon ay ang paggamit ng mga inobatibong estratehiya na naglalayong makahikayat sa motibasyon ng mga mag-aaral tungo sa mabisang pagkatuto ng mga aralin. Bukod dito, susuriin ng pag-aaral na ito ang kaangkupan ng estratetihiya sa iba’t ibang katangian ng mga mag-aaral ayon sa kanilang profayl na magpapatunay sa kabisaan ng pamamaraan.
Metodong Descriptive-Exploratory ang ginamit na disenyo. Purposive sampling technique, survey questionnaire at statistical analysis para sa instrumento ng pananaliksik.