KALIPUNAN NG MGA SALITANG TAUSUG NA MAY KAHULUGAN SA WIKANG FILIPINO SA BAYAN NG JOLO

Language, identity & multilingualism By Rosalinda B. Wadja (Mindanao State University - Sulu) Published August 16, 2025 Vol 2 • Issue 2

Abstract

Sa pag-aaral ng anumang wika, nararapat lamang na ang isang mananaliksik ay may malawak na kaalaman sa wikang pag-aaralan. Kailangan din ang angking kakayahan sa paghabi ng mga angkop na salita upang kanyang maipahayag nang malinaw at makahulugan ang laman ng kanyang isip at puso. Katunayan, ang kakayahang ito ang nagsisilbing susi ng pagkakaroon ng mabisang pakikipagtalastasan, pasalita man o pasulat.
Tinatalakay sa artikulong ito ang mga salitang Tausug na may katumbas na kahulugan sa wikang Filipino; mga salitang Tausug na magkaiba ang baybay ngunit may iisang kahulugan sa wikang Filipino at mga salitang Tausug na magkatulad ang baybay ngunit iba ang diin ng bigkas na may katumbas na kahulugan sa wikang Filipino.
Upang matamo ang inaasahang resulta, naging bahagi ng proseso ng pag-aaral ang pagpapakahulugan, pagbibigkas at pagbabaybay ng mga nalipong salitang Tausug sa layuning malaman ang kaugnayan nito sa mabisang pakikipagtalastasan at pagkakaunawaan.
Isinagawa ang pag-aaral na ito sa bayan ng Jolo, taong 2012. Deskriptibo at kwalitatibo ang disenyo ng pag-aaral. Purposive sampling ang ginamit sa pagpili ng respondante. Nagsagawa ng interbyu sa paglikom ng mga datos at ang instrumenting statiskal na ginamit sa pag-analisa ay frequency count at percentage distribution.